| Lost photos |
[06 Nov 2009|01:44am] |
| [ |
mood |
| |
nostalgic |
] |
| [ |
music |
| |
Death Cab For Cutie - What Sarah Said |
] |
Binigay ko kay 3zsa 'yung kakaramput kong 250 mb memory card nung isang araw para sa isang secret project. Nagulat ako na may laman palang mga litrato 'yung internal memory ng camera ko. Eto sila:
|
|
| Ang kikay ni Andrew. |
[05 Nov 2009|09:07pm] |
| [ |
mood |
| |
sick |
] |
| [ |
music |
| |
John Lennon - Working Class Hero |
] |
It's like, you can't look away.
|
|
| Nakakainis. |
[03 Nov 2009|12:18pm] |
| [ |
mood |
| |
distressed |
] |
Na hindi ko makuha 'yung mga gusto ko. Nire-renovate nga 'yung kwarto sa taas tas 'di ko naman magawa 'yung gusto ko. GAAAAAH. 'Yung kulay, 'yung hitsura. Nakakainis talaga! Tas magtatanong si mama kung ano pang gusto ko 'di naman makikinig. Puti lang talaga ang alam niyang kulay. Tapos biglang 'di lang pala magiging akin 'yung kwarto na 'yun. Tangina. Do you expect me to sleep in the same room as the devil?! God, woman.
KAINEEEEES!
Sarap mag-rant dito sa LJ.
|
|
| Eto na naman. |
[14 Oct 2009|08:35pm] |
| [ |
mood |
| |
sad |
] |
| [ |
music |
| |
68 Dr. Sixto Ave |
] |
Ganito talaga 'pag walang pinagkakaabalahan. Grabe 'yung self-esteem ko. Microscopic na. Ang hirap, putangina.
|
|
| Hello, LJ. |
[10 Jul 2009|09:17am] |
| [ |
mood |
| |
Ka-miss |
] |
Medyo matagal rin bago ako bumalik dito. Araw-araw pa rin naman kitang binibisita, hindi nga lang ako nagsusulat. Apat na taon rin ang iginugol ko sa'yo. Mula unang taon ng kolehiyo hanggang sa huli. Tiningnan ko kung ano ang huli kong isinulat sa'yo, pagkamatay pala ni Francis M. Parang isinabay ko na rin sa pagkamatay niya ang pagkamatay mo?
Hindi naman, biro lang. Eto nga o, binuhay kitang muli.
'Yung huling nakalagay dito, bago pa ang pagkamatay ni Francis M., hindi natupad. Hindi na bumalik sa dati. Ang dami-dami nang nagbago.
'Yun lang. Na-miss kita. Sana na-miss mo rin ako. :)
|
|
| Babay! |
[07 Mar 2009|12:40am] |
| [ |
mood |
| |
drained |
] |
 :((
|
|
| NOOD KAYO! :D |
[04 Mar 2009|04:15am] |
| [ |
mood |
| |
sleepy |
] |
| [ |
music |
| |
Bacstreet Boys, baket? HAHA. |
] |
Tsaka na 'yung synopsis. Hahaha. Ok 'to. Pramis. :D
Panoorin niyo lahat ng films ng 4CA2! :D
Annika Two at a Time Carol of the Belles
Awooo! :D
|
|
|
[22 Feb 2009|09:24pm] |
| [ |
mood |
| |
worried |
] |
WALA NA. TAPOS NA.
|
|
|
[22 Feb 2009|05:30am] |
| [ |
mood |
| |
sad |
] |
| [ |
music |
| |
Aerosmith - I Don't Wanna Miss a Thing |
] |
Pwede bang bumalik na lang sa dati? 'Yung walang drama. Patambay-tambay lang sa Calderon. Tawanan, iyakan (dahil sa katatawa) tsaka pikchuran. Tangina. Nakaka-miss. Hindi na ba 'yun mangyayari ulet? Sayang naman.
|
|
| Hot Deym |
[04 Jan 2009|09:38pm] |
| [ |
mood |
| |
determined |
] |
| [ |
music |
| |
Fiona Apple - Criminal |
] |
Strawberry Taho
Baguio, I miss you already. :(
Tangina ng LAHAT. No stir. Walang emo shit. Tangina lang talaga ng lahat. Sana matapos na 'to, please lang. Kulang-kulang tatlong buwan na lang. Hold on, bitch.
Kulang-kulang tatlong buwan na lang. Wala nang Media Law. Kulang-kulang tatlong buwan na lang. Wala nang Thesis. Kulang-kulang tatlong buwan na lang. Wala nang UST. Kulang-kulang tatlong buwan na lang. Wala nang Bakery. :(
GOGOGO! 'Wag ka na mag-facebook at tumblr! 'Wag ka nang magbasa! 'Wag ka nang manood ng TV! Tapusin mo na lahat.
|
|
| Bagong Taon, bagong Buhay? |
[01 Jan 2009|03:32am] |
| [ |
mood |
| |
blah |
] |
| [ |
music |
| |
Bright Eyes - Make a Plan to Love Me |
] |
Happy New Year sa inyong lahat! :)
Muntik na akong abutan sa banyo ng bagong taon. Kasalan 'yun ng Cheese Roll ng French Baker. Nagmadali pa kong jumervy cruz para lang makapag-ingay sa terrace. Dahil ba nakapagbawas ako bago magbagong taon, ibig sabihin non constipation-free ako sa ngayong taon?! Sana please. Weeee! :D
Siyempre imposibleng wala akong New Year's Resolution na taon-taong hindi ko tinutupad. Sisiguraduhin ko na lang na may magbabago sa buhay ko sa susunod na taon. Kung ano man 'yun, 'di ko alam.
Happy New Year ulet! :)
|
|
| Erm |
[25 Dec 2008|03:12am] |
| [ |
mood |
| |
cold |
] |
I'm not feeling groovy today. Bigat sa pakiramdam, men. Thanks a lot.
|
|
|
[24 Dec 2008|09:39pm] |
| [ |
mood |
| |
blah |
] |
Sandali na lang pasko na. Kelangan bang maniwala sa Katolisismo para magdiwang ng kapaskuhan?
Meh. Maligayang Pasko po anooo. :D
|
|
| Yay Christmas! |
[22 Dec 2008|01:44am] |
| [ |
mood |
| |
chipper |
] |
| [ |
music |
| |
Regina Spektor - Better |
] |
 Salamat kay Sir Al D. pram Ali R. :D
|
|
| Tama na |
[05 Dec 2008|10:39pm] |
| [ |
mood |
| |
tired |
] |
Pagod na pagod na ko.
|
|
| Happy 20th Birthday Majeekjeek! |
[28 Nov 2008|11:28pm] |
| [ |
mood |
| |
mellow |
] |
| [ |
music |
| |
Tori Amos - Crucify |
] |
Happy Birthday Jeek! Bespren nung Grade 1! Hahaha. Antagal na nating friends. 1995 - fo' evah! Haha. Laaaaab kita! Sobrang tagal na nating 'di nagkikita e. Pareho naman tayong UST. Tsk tsk. Talaga naman.
'Di kumpleto ang elementary at hayskul life kung wala ka. Buti na laaaaang. :D
Naalala ko 'yung nananakot tayo ng mga tricycle driver kina Lea nung naka-gown ka para sa Romeo and Juliet na play. Ikaw si Lady Capulet! :D Ayun, habang nasa kabilang daan ka, sisigaw ako tas ituturo kita tas makikita ka nila. Magiging effective sana 'yun e, kung 'di lang ako natatawa agad. :D
Lab talaga kita. Inuman na ples. Haha.
|
|
| Papa is come. |
[24 Nov 2008|09:04pm] |
| [ |
mood |
| |
calm |
] |
| [ |
music |
| |
Sharif - Disturbia |
] |
Andito na naman si Papa. Na-miss ko siya, actually. Kahit na mukhang bad trip ako pag andyan siya. Isisisi ko na lang sa demonyo. Na-realize ko na nadadamay lang si papa sa galit ko dun sa demonyo kaya ayun. Sinabi ko sa sarili ko na magpapakabait na ko. :)
Habang papunta sa Duty Free, na ilang taon na rin yata akong 'di nakakapunta, siyempre may kwentuhan na naganap sa biyahe. Nagku-kwento si papa (siya kase talaga 'yung pinaka-makwentong taong kilala ko. Kahit sino kinakausap at kinukwentuhan. Gusto ko 'yun sa kanya.) tungkol sa mga sea adventures niya. Isa dun e 'yung tungkol sa mga unpleasant pipels sa barko. Meron daw kaseng mate of some sort na 'di maganda trato sa kanya. 'Yun ata 'yung biyahe na nakilala niya 'yung magiging future ninong ko na si ninong Rio. Kinausap daw nung ninong ko 'yung mate na 'yun, sabi niya "Pakabait ka dun pare. 'Di mo ba alam 3 'yung nasaksak niyan sa Tondo? Nagbabagong buhay lang 'yan ngayon. Tingnan mo 'yung record niyan, nakulong 'yan sa Manila City Jail." E di siyempre may mga tawanan sa sasakyan. Habang kinukwento 'yan ni papa, bigla siyang bumanat ng "'Di lang niya alam illegal vending 'yung dahilan!" HALAAAA. Nakulong pala si papa sa Manila City Jail para sa kasong: Illegal Vending.
Dalawang dekada ang dumaan nang 'di ko nalalaman na nakulong pala si papa! Pagkatapos niyang sabihin 'yun, bumulyaw ako ng "NAKULONG KA, PA?!" Ilang beses 'yan. Feeling ko naman 'di niya tinago. 'Di lang talaga nakwento.
Nag-aaral pa daw siya nun. E sa Tondo siya nags-stay dahil dun siya nag-aaral. Dun niya rin nakilala si mama pero ibang kwento na 'yun. 'Di ko maalala kung anong binebenta niya, tatanungin ko na lang mamaya. Haha. Basta nag-aaral pa daw siya non tas hinuli siya ng pulis. Nakatakbo pa daw siya at nagtago sa Central Market (puta 'di ako sigurado XD). Pero kinabukasan, nakita daw siya nung pulis sa may Escolta ('di rin sigurado) tas pinosas na siya sa jeep. Tapos ayun. Nakulong siya ng 3 buwan dun, tas dinadalhan daw siya ng pagkain ng tatay niya. Martial Law kase nun kaya lahat daw hinuhuli ng kahit walang pormal na kaso...or something. Haha. Sheeet. Ang labo ko no? Basta. Sabi ni papa, walang "vista" or whatever. EWAN. Basta wala daw trial trial kaya kulong siya agad ng 3 buwan. :/
Hay, ewan. Obyus naman na foggy ang mga detalye. Hahaha. BASTAAAA. Ang weird. Dalawang dekada ko na siyang tatay tas andami ko pa ring 'di alam. Makes me want to spend more quality time with him, really. Mukhang aalis na siya agad sa December o January. Hangbilis. Lagi siyang tumatabi sa'kin tas aakbay tas sasabihin na "dati malambing ka bunso, ngayon hindi na" tas ako ang sasabihin ko lang "MEH." Awwww, ang awkward naman kaseeeee. :(
I lab papa, kahit 'di masyadong halata. :)
|
|
| Happy 20th Birthday Sarsa Girl! |
[23 Nov 2008|11:44pm] |
| [ |
mood |
| |
chipper |
] |
Happy Birthday Kiks! Apat na taon na rin tayong magkaibigan ano. Ikaw ang una kong artist friend. Haha. 'Diba? 'Diba? Kinda like your bestfriend. :D
Ikaw ang katabi ko nung first year sa "The Row" at naaalala ko pa 'yung quotable quote mo na nakasulat sa notebook ko: "Conformity is a disease." Sinabi mo 'yan kase we hate certain people at bastaaaa. Satin na lang 'yun. Haha.
Andami kong napuntahan na mga concerts and events dahil kasama kita/namin. Gaya na lang ng Rockestra! Tsaka U.P. Fairlalu.
Sa'yo ko natutunan na 'di kelangan matakot magpa-picture. Mas ok kung mas mukhang tanga. O.o
Basta madaming milestones sa buhay ko na kasama kita, and I teynkyu po. :)
INUMAN NAAAAAA! :D
*Dagdag: Ang larawang kasama ng post na ito ang kauna-unahang "photography by Ali." XD
|
|
| Happy 20th Birthday Claud! |
[16 Nov 2008|09:58am] |
| [ |
mood |
| |
bouncy |
] |
| [ |
music |
| |
Beirut - Elephant Gun |
] |
Happy Birthday anu po. Madami akong nagustuhan na bagay dahil sa'yo. Nakakahawa e. Gaya na lang ng matatandang tao. Oo, kyut sila. Haha. Pati na rin 'yung tinta ng bolpen na dumidikit sa kamay pagkatapos magsulat, na effective lang ata pag Leone 'yung gamit mo. Haha.
'Di ko makakalimutan na ikaw 'yung unang nagpatikim sa'kin ng Choco Mucho d'yan sa bahay niyo habang gumagawa tayo ng report para sa Digestive System. Pati 'yung ice cream cone na ewan 'yung tatak. Pati pala youtube! Sa bahay niyo ako unang nag-youtube sa tanang buhay ko. Tapos tapos 'yung picture ni lowlow na sumusunod kahit san ka pumunta. :-S
Pramis, 'di na ko masha-shock kapag tinatawag mo kong bitch o kapag nakiki-ride ka na sa mga lesbo jokes kase mas masaya pag gumaganun ka. :D Lumalabas na 'yung tunay mong anyo. Jekleng. Haha.
BATTLE OF THE BULGE!!!
Happy Birthday Claud! ♥ Pa-inom ka naaa! :D
|
|
| Okeh |
[05 Nov 2008|03:42pm] |
| [ |
mood |
| |
calm |
] |
| [ |
music |
| |
Amber Rubarth - Chrysanthemum Song |
] |

“If there is anyone out there who still doubts that America is a place where all things are possible, who still wonders if the dream of our Founders is alive in our time, who still question the power of our democracy - tonight is your answer.” "This is our moment. This is our time - to put our people back to work and open doors of opportunity for our kids; to restore prosperity and promote the cause of peace; to reclaim the American Dream and reaffirm that fundamental truth - that out of many, we are one; that while we breathe, we hope, and where we are met with cynicism, and doubt, and those who tell us that we can’t, we will respond with that timeless creed that sums up the spirit of a people: Yes We Can. Thank you, God bless you, and may God Bless the United States of America." OK. Makikisawsaw lang ako sa politika ng America a. 'Di ko alam kung baket, pero nung napanood ko 'to, feeling ko kasali ako dun sa "our" na sinasabi ni Obama. Self-centered kase ako e. Ang poser ko pa dahil naluluha pa ko. Hahaha. Patawarin niyo ko please. Isa pa. Ok ang Amerika sa Egoy na pangulo pero galit pa rin sila sa mga bading. What gives?
|
|
| navigation |
| [ |
viewing |
| |
most recent entries |
] |
| [ |
go |
| |
earlier |
] |
|
|
|
|